
Ang EAPIS (EAP Information System)
Ito ang bagong sistema ng EAP (Educational Assistance Program) at MBS (Merit-based Scholarship Program) kung saan, sa hinaharap, lahat ng proseso ng ating mga IP Education Programs ay dito na natin gagawin, mula application hanggang submission ng requirements/documents na kailangan bago i-release ang ating allowances.
Nasa stage ito kung saan kailangan nating subukan ang sistema na ito, upang malaman kung anu-ano pa ang kailangan na i-improve dito, bago natin opisyal na gamitin.
Sa aking mga kapatid na IP Youth, EAP at MBS Grantees, IP Education Focal Persons, subukan natin ang EAPIS!
1. Buksan ang link ng ating opisinang NCIP sa kahit anong browser gamit ang cellphone, laptop, desktop: ncip.gov.ph (O Maari rin tayong dumiretso sa link na eapis.ncip.gov.ph)
2. Makikita natin ang icon na ”EAPIS”, i-click or i-tap ito.
3. At maari na tayong gumawa ng ating account.
Kung mayroong mga katanungan, mag-send lamang ng message sa messenger ng ating page o sa email ng ating Regional IP Education Focal Person: [email protected]
Maraming salamat!