Skip to main content

Ang NCIP Bataan Provincial Office Staff sa pangunguna ni OIC Juna S. Sacpa kasama ng ibang kawani ng NCIP na sina Engr. Janna Comising, Angelito Aquile at Rebecca C. Reyes ay nagtungo sa Katutubong komunidad ng Ayta Magbukun sa Sitio Matalangao, Brgy. Banawang, Munisipalidad ng Bagac

Ang NCIP Bataan Provincial Office Staff sa pangunguna ni OIC Juna S. Sacpa kasama ng ibang kawani ng NCIP na sina Engr. Janna Comising, Angelito Aquile at Rebecca C. Reyes ay nagtungo sa Katutubong komunidad ng Ayta Magbukun sa Sitio Matalangao, Brgy. Banawang, Munisipalidad ng Bagac para sa pagpapatuloy ng Information, Education and Communication (IEC) ng NCIP National Advisory 2020-08-001, series of 2020 upang muling maikalat at mamulat ang kamalayan ng mga katutubo sa kanilang karapatan sa Lupaing Ninuno at sa katutubong konsepto ng pagmamay-ari.
Nagbigay din ng kopya at ipinaliwanag ang nasabing National Advisory na naglalayong ihinto at ipagbawal ang anumang negosasyon at transaksyon ng pagbebenta o paglilipat ng Lupaing Ninuno.
#Recognize_Respect_Promote_Protect
#IndigenousPeoplesAgenda

 

Official Website of National Commission on Indigenous Peoples Region III