
Asserting IP right to their Ancestral Domain!
Ngayong ika-20 ng Abril 2021, dumating sa tanggapan ng NCIP Bataan Provincial Office ang mga lider mula sa katutubong pamayanan ng Ayta Magbukun sa Munisipalidad ng Morong upang mag-follow up sa tanggapan ng Land Registration Authority (LRA) Balanga ng kanilang kahilingan noong ika-1 ng Pebrero, 2021 para makakuha ng ‘certified true copy’ ng mga tituladong lupain na pumasok sa loob ng kanilang lupaing ninuno na dadaan sa ‘common projection’ alinsunod sa Joint DAR-DENR-LRA-NCIP Administrative Order(JAO) No.1, s. 2012. Sinamahan at tinulungan sila nila Angelito Aquile at Roberto Salalila, Tribal Affairs Assistant ng NCIP at Abel Paule para muling ipahayag ang kanilang hiling.
Napagkasunduan na ibibigay ng LRA ang kumpletong listahan ng kanilang request sa araw ng biyernes, ika-23 ng Abril 2021. Ito ay pakikipagtulungan sa NCIP para mai-plot at project ng NCIP Bataan Provincial Engineer ang nasabing mga titulo na dadaan sa tinatawag na ‘segregation’ bilang paggalang sa Seksyon 56 ng Batas IPRA na nagsasaad na “Ang mga karapatan sa pagmamay-ari sa loob ng mga lupaing ninuno na umiiral at/o kinikilala na bago pa magkabisa ang Batas na ito ay kikilalanin at igagalang.”