Skip to main content

BUKAS NA: Paglulunsad ng 4Ks – IP CREATESS IADDA para sa mga Katutubong Ayta Mag-indi ng Floridablanca, Pampanga!

Sa pagpapatuloy ng pinagsanib na pwersa ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) Region 3 at ng Department of Agriculture (DA) Field Office III, ilulunsad na bukas ang “Kabuhayan at Kaunlaran Para sa Kababayang Katutubo (4Ks) – IP CREATESS IADDA” para sa mga mga Katutubong Ayta Mag-indi ng Barangay Nabuclod at Barangay Mawakat, sa bayan ng Floridablanca, lalawigan ng Pampanga.

Nilalayon ng 4Ks – IP CREATESS IADDA na makapagbigay ng tulong at suportang pang agrikultura sa mga Ayta Mag-indi sa lugar. Pangunahing ikinabubuhay ng mga katutubong Ayta Mag-indi ang pagtatanim sa malawak na Lupaing Ninuno sa Floridablanca kung kaya naman inaasam ng proyektong ito na maging pangunahing kabahagi ng mga Ayta Mag-indi sa pagpapaunlad ng kanilang kabuhayan.

Kabilang sa mga bahagi ng 4Ks – IP CREATESS IADDA ang pagbibigay ng mga piling binhing pananim, mga hayop na pararamihin at magagamit sa pagtatanim, pagsasagawa ng mga kinakailangang pagsasanay sa mga napiling uri ng panananim, pagbuo ng samahan kasama na rin ang pagpapalakas dito. Magiging kabahagi rin ng proyekto ito ang iba pang mga sangay ng pamahalaan pangunahin na ang mga kabilang sa Poverty Reduction, Livelihood, and Employment Cluster (PRLEC) ng JTF-ELCAC ng Gitnang Luzon.

Matatandaan na nailunsad na rin ng mga Katutubong Abelling sa lalawigan ng Tarlac at ng mga Katutubing Ayta Ambala sa lalawigan ng Bataan ang kanilang kani-kaniyang 4Ks – IP CREATESS nitong nagdaang buwan. Inaasahan na mailulunsad na rin mga lalawigan ng Aurora, Bulacan, Nueva Ecija at Zambales ang kaparehong sabin-pwersang proyekto ng NCIP Region 3 at DA Field Office III.

Manatiling nakatutok sa mga kaugnay na mga balita!

Official Website of National Commission on Indigenous Peoples Region III