
CLTV 36 News – Good Samaritan, Hinangaan Matapos Isoli ang Napulot na Sahod ng isang LGU Employee
Hinahangaan ngayon ng publiko ang katapatan na ipinamalas ni Bishen “Michelle” Tamayo nang makapulot ito ng pera sa harap ng Mabalacat City Hall nitong Lunes, June 19.
Sahod umano ito ng isang empleyado ng LGU na nahulog sa naturang lugar na siya namang dinala kaagad ni Tamayo sa Mayor’s Office.
Si Michelle ay 30-anyos mula sa Sitio Haduan, Mabalacat City, Pampanga.
Pangunahing kabuhayan niya ang pagtitinda ng saging, avocado, at iba pang ani mula sa kanilang lugar.
Aniya, minsan na raw siyang nakapulot ng pera at ibinalik din dahil mahalaga umano sa kanya ang pagiging tapat lalo na’t mayroon siyang 4 na anak. | via Jessica Maron, CLTV36 intern

#CLTV36News
#AtinTo