Skip to main content

Eksaktong 77 pamilyang Aeta na biktima ng lindol noong 2019 ang tumanggap ng pabahay mula sa Capitol

Nagkabahay sa ligtas na lugar
Eksaktong 77 pamilyang Aeta na biktima ng lindol noong 2019 ang tumanggap ng pabahay mula sa Capitol nitong Huwebes.
Ibinigay ko po sa kanila ang certificates of occupancy sa mga bahay sa itinayo sa Barangay Babo Pangulo sa bayan ng Porac. Ang pondo po ay galing sa Pampanga Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office at National Housing Authority.
Kada unit ay may sukat na 30 square meters at itinayo sa budget na P500,000. Dito po mamamahay ang mga Aeta na galing sa Barangay Diaz na hindi na maaring tirhan dahil sa malalaking lamat sa mga bundok.
May water system at daycare po sa relocation. Magtutulungan po kami ni Mayor Jing Capil na magtayo ng barangay hall, school buildings at basketball court. Aayusin pa ng Capitol ang mga kanal at maglalagay pa ng metro para sa kuryente ang Pelco II.
Namigay rin po kami ng mga kagamitan sa bahay habang ang DSWD ay nagbigay ng tag-P3,000.
May kinakausap na pong private foundation si Vice Governor Nanay para ipatayo ang balanse na 19 pang bahay.
📸: PSWDO/PIO
 
Official Website of National Commission on Indigenous Peoples Region III