
HYDRAULIC RAM PUMP (HYDRAM)
Katulad nang sinasabi ng mga tao ngayon na “water is life”, hindi ito naiiba sa pangangailangan ng mga kasamahan nating Aeta dahil sa pang-araw-araw na suliranin nila sa paghahanap nang makukunan ng malinis na tubig.
Upang tugunan ang hamon na ito, nabuo ang proyektong “Sustainable Water Supply for Aeta Community in Sitio Camachile Nabuclod using Hydraulic Ram Pump” sa pangunguna ng Department of Science and Technology Region III (DOST III) sa ilalim ng Community Empowerment through Science and Technology (CEST), sa pakikipagtulungan ng Don Honorio Ventura State University (DHVSU), at Pamahalaang Lokal ng Floridablanca.
Alamin natin ang proyektong ito na naglalayon na makapaghatid ng malinis na tubig sa komunidad ng Sitio Camachile gamit ang teknolohiya ng Hydraulic Ramp Pump o HYDRAM nang walang gamit na kuryente kasama si Engr. Inla Diana Cayabyab-Salonga, Project Leader ng HYDRAM, mula sa DHVSU, Bacolor, Pampanga.
Tutukan ang Episode 26 ng Ayos na Ayos sa DOST sa July 21, 10-11 AM dito sa ating Facebook page at makinig sa DWFA 107.3 FM
#DOSTCentralLuzon
#ScienceForThePeople
#eCEST
#ayosnaayossadost