Skip to main content

ITINURN OVER ANG 77 NA PABAHAY NG KAPITOLYO PARA SA MGA AETA NA BIKTIMA NG LINDOL

GOV DELTA, ITINURN OVER ANG 77 NA PABAHAY NG KAPITOLYO PARA SA MGA AETA NA BIKTIMA NG LINDOL
Pormal nang itinurn-over ni Governor Dennis “Delta” Pineda ang mga bahay na ipinatayo ng Kapitolyo para sa 77 pamilyang Aeta na lubhang naapektuhan ng 6.2 magnitude na lindol noong April 22, 2019.
Kasama ni Governor Delta sa isinagawang turn-over ceremony kaninang umaga sina Vice Governor Lilia “Nanay” Pineda, Porac Mayor Jing Capil, DSWD 3 Region Director Marites Maristela, NHA Region 3 OIC Minerva Calantuan, Second District Board Members Fritzie David-Dizon at Sajid Khan Eusoof, PCL President Venancio Macapagal, Mabalacat City Councilor Cherry Manalo, Executive Assistant to the Governor Angelina Blanco, PSWDO Head Elizabeth Baybayan at iba pang opisyal mula sa pamahalaang panlalawigan at lokal na pamahalaan ng Porac.
Lubos ang tuwa at saya ng bawat benepisyaryo ng Brgy. Diaz sa pagtanggap nila ng susi at certificate of occupancy ng kani-kanilang mga bahay mula sa mga kawani ng PSWDO.
Tatlumpu’t-pito (37) sa mga ibinigay na unit na bahay ang pinondohan ng Kapitolyo at nasa 40 units naman ang napagawa sa tulong ng P20-milyong donasyon na ibinigay ng NHA.
Itinayo ang mga ito sa Aeta Community Village gamit ang 2.8 hectare na lupang binili ng Kapitolyo sa Brgy. Babo Pangulo, Porac.
Nasa 30 square meters ang laki ng bawat unit. Mayroon itong isang kwarto, kusina, sala, banyo, at lababo.
Maliban pa rito, nakatanggap din ang mga benepisyaryo ng isang kaban ng bigas, mga de lata, at house kits mula sa Kapitolyo.
Binigyan din ng DSWD ang bawat pamilya ng P3,000 financial assistance.
📸: Harold Tioleco/ Pampanga PIO

« of 2 »

Official Website of National Commission on Indigenous Peoples Region III