Skip to main content

KALIHIM WILIAM DAR, BUMISITA SA NCIP

KALIHIM WILIAM DAR, BUMISITA SA NCIP
Ngayong Enero 26, 2023 ay bumisita sa tanggapan ni Chairperson Allen Capuyan sa National Commission on Indigenous Peoples ang dating Kalihim ng Department of Agriculture na si Ginoong William Dar. Si Ginoong Dar ay kasalukuyang Go Negosyo adviser para sa Kapatid Angat Lahat Agri Program o KALAP. Ito ay bahagi ng Private Sector Advisory Council (PSAC) Agriculture Sector na binuo sa ilalim ng administrasyong Marcos Jr, upang masiguro ang seguridad ng pagkain sa Pilipinas.
Isang maliit na pagpupulong ang naganap kasama ang Executive Director ng KALAP na si Bb. Mina Akram at Program Development Officer nito na si Bb. Abby Famadico. Kasama naman sa pagpupulong na ito ang representante mula sa opisina ng NCIP Office on Socio-Economic Services na si Gng. Glenda Alcantara Pua, at Legal Affairs Office na si Dir. Gillian S. Dunuan.
Ang mithiin ng pagpupulong na ito ay ang magkaroon ng pagtutulungan at mag-bakas ng pormal na kasunduan ang NCIP at Go Negosyo para sa pagpapa-unlad ng kabuhayan ng mga Katutubo sa pamamagitan ng KALAP. Sa pinaiiral na 3M Model (Mentorship, Money and Market), layunin ng programa na masiguro ang Productivity, Profitability, Sustainability and Global Competitiveness na makamit ng mga Indigenous Peoples na kabilang sa Agriculture Sector.
Sa mga susunod na araw ay pag-uusapan naman ang pagbalangkas ng kasunduan, pagpa-plano sa implementasyon at pagpapatupad nito.###

Official Website of National Commission on Indigenous Peoples Region III