Ni Alysa Curioso
Larawan ni Kevin Fonseca
Nakikita namin ang kakulangan. Ang papel naming mga kabataan ay makinig at makialam sa mga usapin ng pamayan. Habang bata pa kami ay mahalagang makiisa na kami sa paglutas ng mga suliranin.
Kailangan naririnig din ang tinig naming mga kabataan sa usaping kaunlaran. Kasabay ng alon ng dagat, kailangan naming sumabay sa sayaw at galaw ng mga alon ng pakikibaka para sa aming kinabukasan.
Ang hamon sa amin, maging laging bukas ang kaisipan, magkusa na maglingkod sa pamayanan.
Magiging aktibo ako sa mga programang naitala sa aming Maedup! (ADSDPP). Isusulong ko din ito sa aking mga kapwa kabataang Domaget dito sa Dingalan
Naniniwala akong mahalaga ang ADSDPP. Sa pakikiisa sa pagbuo nito ay napalakas nito ang kalooban ko bilang bahagi ng aming lupaing ninuno. Mas nauunawaan ko ngayon ang lawak at lalim ng aming mga karapatan at tungkulin bilang mga katutubong Domaget.
Sa pamamagitan ng ADSDPP, huwag na sana naming maranasan and dinanas ng aming mga magulang.
Tungkol sa may akda: Si Alysa Curioso ay isang kabataang lider na Domaget sa kanilang pamayang katutubo sa Dingalan, Aurora. Ang kanilang pamayanan ay kasalukuyang bumubuo ng kanilang Ancestral Domain Sustainable Development and Protection Plan o ADSDPP na tinawag nilang MAEDUP!
Copyright © 2015. Official Website of National Commission on Indigenous Peoples Region III. All rights reserved.