Skip to main content

MAHIGIT 600 NA AETA SA FLORIDABLANCA AT PORAC, NAKATANGGAP NG LIBRENG PURGA

Maraming salamat po sa Provincial Government of Pampanga!
MAHIGIT 600 NA AETA SA FLORIDABLANCA AT PORAC, NAKATANGGAP NG LIBRENG PURGA
Nasa mahigit 600 na bata mula sa upland communities ng bayan ng Floridablanca at Porac ang nakinabang sa isinagawang libreng purga na programa ni Governor Dennis “Delta” Pineda bilang paggunita ng National Nutrition Month.
Sa ngalan ni Governor Delta, pinangunahan nina Vice Governor Lilia “Nanay” Pineda, 2nd District Board Member Fritzie David-Dizon, Provincial Health Officer Dr. Zenon Ponce, Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) Head Elizabeth Baybayan, at Diosdado P. Macapagal Memorial Hospital (DPMMH) Chief Dr. Fleur Zapanta ang deworming activity.
Bawat aeta ay nakatanggap ng albendazole tablet, isang pares ng tsinelas at food packs mula sa Kapitolyo.
Ayon kay Vice Governor Nanay, ang nasabing programa ay isa sa mga paraan nila ni Governor Delta para maprotektahan ang mga Kapampangan mula sakit na Soil – Transmitted Helminths (STH) o pagkakaroon ng bulate sa katawan.
Hinihikayat ng PHO ang mga magulang na regular na purgahin ang mga anak upang makaiwas mula sa nasabing sakit na pwedeng magdulot ng masamang epekto sa kalusugan ng tao.

Official Website of National Commission on Indigenous Peoples Region III