
Matagumpay na naisagawa ang kauna-unahang pamamahagi ng Modified Conditional Cash Transfer
Matagumpay na naisagawa ang kauna-unahang pamamahagi ng Modified Conditional Cash Transfer – Enhanced Support Services Intervention (MCCT-ESSI) sa mga katutubong Aeta ng San Marcelino, Zambales.
Ang bawat benepisyaryo ay tumanggap ng tsekeng nagkakahalaga ng Php 10,000 na ipinaencash sa Landbank SBMA sa tulong ng mga empleyado ng DSWD Zambales. Ito ay naglalayong mag-bigay ng dagdag na puhunang pangkabuhayan sa mga benepisyaryo ng programa.
#DSWDGitnangLuzon
#DSWDMayMalasakit
Sa serbisyong tapat at totoo, sama-sama sa pag-unlad ang mga Katutubong Pilipino!