Skip to main content

Nabahagian ang labing dalawang katutubo ng Dinalupihan mula sa Bayan Bayanan, Tubo Tubo at Payangan ng kabayo mula sa Office of Provincial Veterinarian

KAHAPON , April 15, 2021, Nabahagian ang labing dalawang katutubo ng Dinalupihan mula sa Bayan Bayanan, Tubo Tubo at Payangan ng kabayo mula sa Office of Provincial Veterinarian.
Ginanap ang pagbibigay sa Municipal Ground Ng Dinalupihan Bataan sa ganap na ika- 8:00 Ng umaga.
Ang Bigayan ay pinangunahan Ng mga kawani Ng OPA at D.A Dinalupihan sa pangunguna ni Doc Pol Foronda at Dr.Venturina.
Sinaksihan nmn Nila Sir Rolly Roxas (Municipal Admisitrator) at ni Ms. Emilia v. carpio (Municipal Assesor)
Pinapirma din ang mga benepisyaryo Ng kasunduan Ng Pag aalaga, na kung sakalling manganak, ang anak ang maiiwan sa benepisyaryo at ang inahin ay ipapasa sa iba, Ngunit ito muna ay isasauli sa D.A para ang kasunod mag aalaga ay pipirma din Ng kasunduan.

Official Website of National Commission on Indigenous Peoples Region III