Skip to main content

Warning: in_array() expects parameter 2 to be array, null given in /home/customer/www/ncipr3.com/public_html/wp-content/plugins/nextgen-gallery/products/photocrati_nextgen/modules/nextgen_gallery_display/package.module.nextgen_gallery_display.php on line 1236

Warning: in_array() expects parameter 2 to be array, null given in /home/customer/www/ncipr3.com/public_html/wp-content/plugins/nextgen-gallery/products/photocrati_nextgen/modules/nextgen_gallery_display/package.module.nextgen_gallery_display.php on line 1238

Nagkaroon ng pagpupulong ang dalawang komunidad ng Ayta Magbukun sa sitio Duhat at sitio Ulingan

Upang magkaroon ng organisadong samahan ang dalawang komunidad ng Ayta Magbukun sa sitio Duhat at sitio Ulingan sa Bayan ng Bagac na irerehistro sa DOLE, sa tulong ng NCIP, ang nasabing komunidad ay nagkaroon ng pagpupulong upang pag-usapan at mag-organisa ng kanilang kani-kaniyang samahan. Sa pagpupulong ipinaliwanag ng NCIP ang kahalagahan at benipisyo ng mayroong organisadong samahan. Ang dalawang grupo ay nagluklok ng kani-kaniyang opisyales. Nagtapos ang pagpupulong sa pagpapapirma ng komunidad upang katunayang sila ay pumapayag at nakikiisa na layong magkaroon sila ng organisadong samahan.
Ang NCIP Bataan PO ay naglalayong matulungan ang bawat katutubong pamayanan sa Bataan na magkaroon ng organisadong samahan upang magkaroon ng sistematikong pamamahala na mapangalagaan ang antas ng kabuhayan ng bawat kasapi at ng kanilang mga pamilya na naaayon sa maayos at marangal na pamamaraan gayundin upang ipagtanggol ang interes ng buong katutubong pamayanan para sa kanilang kapakinabangan at proteksyon.

no images were found

Official Website of National Commission on Indigenous Peoples Region III