Nakibahagi ang National Commission on Indigenous Peoples Region 3 sa National Children’s Month Celebration ng Regional Sub-Committee for the Welfare of Children – Central Luzon na mayroon temang “New Normal na Walang Iwanan: Karapatang Pambata Ating Tutukan!” Nagkaroon ng Local Councils for the Protection of Children (LCPC) Quiz Bowl kasama ang mga piling LGUs at ang kanilang Child Representative. Sa susunod na taon, hinihikayat ng NCIP R3 ang RCSWC-Central Luzon kasama ang mga LCPC na magkaroon ng IP Children Representative upang makilahok sa mga ganitong uri ng oportunidad upang magamit nila ang kanilang karapatan bilang isang kabataang Indigenous Peoples. Sa darating na 4th Quarter Meeting ng RCSWC-Central Luzon, sisiguraduhin ng NCIP R3 na mailatag ito at maisakatuparan sa susunod na taon.
Watch the video here:
Copyright © 2015. Official Website of National Commission on Indigenous Peoples Region III. All rights reserved.