Skip to main content

NATIONAL INDIGENOUS PEOPLES DAY AND INTERNATIONAL DAY OF THE WORLD’S INDIGENOUS PEOPLES – HON. JEORGE M. LARGADO

NATIONAL INDIGENOUS PEOPLES DAY AND INTERNATIONAL DAY OF THE WORLD’S INDIGENOUS PEOPLES
THEME: “The Role of Indigenous Women in the Preservation and Transmission of Traditional Knowledge”
“Isang lumang kasabihan na ang “ina ay ilaw ng tahanan.” Ito marahil ay dahil noong unang panahon, ang ina ay palaging nasa bahay habang ang ama ay nagtatrabahao sa bukid. Ang ina ay nagsisilbing liwanag sa lahat ng oras. Siya ang humubog sa atin sa simula ng ating pagkabata at unang salita. Dahil dito ang ina kalimitan ang siyang may malaking impluwensia sa kultura ng isang bata na taglay niya hangang sa kanyang pagtanda. Ang ating Ina ang naging unang guro natin.
Sa ngayon, ang babae ay hindi lang nakakulong o na limitahan sa papel ng pagiging asawa at ina. May maraming kumunidad na ang babae ay isang malakas at matatag na lider. May taglay siya na karunungan at isa siyang ma impluwensiang pinanggagalingan ng tradisyonal na kaalaman. Ang mga babae ay isang makalas na tagapaglipat ng kultura sa mga susunod na henerasyon.
Sa pagdiwang natin ng 2022 International Day of World’s Indigenous Peoples, ating bigyan ng papuri ang mga kababaihan, ating pansinin ang mga iba’t ibang papel na ginagampanan nila sa ating kumunidad at ang kanilang malaking bahagi sa paghubog, pag preserba at pag paglipat ng tradisyon at kultura sa ating kabataan.
Mabuhay ang mga katutubong kababaihan.”
HON. JEORGE M. LARGADO
NCIP Commissioner for Island Groups and Rest of the Visayas
#NCIPparasaIP
#NationalIndigenousPeoplesDayand
#InternationalDayoftheWorldsIndigenousPeoples

Official Website of National Commission on Indigenous Peoples Region III