Skip to main content

NCIP, NAKILAHOK SA “KABATAAN, KATUTUBO, KAPAYAPAAN” NG UNAP

10 Agosto 2023
Ipinagdiriwang ngayong buwan ng Agosto ang UN International Youth Day at UN International Day of the World’s Indigenous Peoples, at ngayong taon, ang 2023 UN International Year of Dialogue as a Guarantee for Peace.
Sa pangunguna ng United Nations Association of the Philippines (UNAP), ang programang pinamagatang “Kabataan, Katutubo, Kapayapaan” ay ginanap sa Philippine Normal University noong ika-10 ng Agosto 2023. Ito ay pinuno ng mga pagtatanghal mula sa mga kabataan at mga katutubo, mga mensahe mula sa Voice of the Youth, NCIP, CHR, NCCA, PCW, NAC, at DepEd, bukas na talakayan kasama ang mga youth leaders, at awit ng pagkakaisa.
Ibinahagi ng NCIP ang Project Epanaw sa mga panauhin at manonood kasabay ng pagbibigay ng isang set ng Coffee table Books (CTBs) sa panauhing pandangal at tagapagsalita na si National Amnesty Commission Chairperson Leah Leda Sofia Tanodra-Armamento.
#NCIP #NCIPParaIP

Official Website of National Commission on Indigenous Peoples Region III