LUNGSOND NG SAN FERNANDO—Ang NCIP Region 3 katuwang ang NCIP Pampanga Service Center ay nakibahagi sa Duterte Legacy Caravan, na may temang “Pagkakaisa ng Mamayan at Pamaahalaan tungo sa Pagbangon, Kapayapaan at Kaunlaran” na ginanap sa Camp Olivas, San Nicolas, City of San Fernando, Pampanga sa pangunguna ng PNP Police Regional Office 3. Nagtala ang NCIP Region 3 ng booth para sa dissemination ng Information, Education, and Communication (IEC) materials upang mapalawak pa ang kaalaman ng mga mamayan tungkol sa mga programa ng NCIP sa kanilang lugar. Bilang nasa huling yugto na ang Duterte Administration, nais iparating ng Duterte Legacy Caravan na hanggang sa dulo ay tuloy-tuloy ang pamamahagi ng mga programa at serbisyo na makakabuti at makakaangat sa buhay ng mamamayan.
Kabahagi din ng NCIP ang PNP PRO 3 sa pag tatalaga ng sa mga booth ng IP Vendors para ibenta at ma-showcase ang mga IP products mula sa Porac, Mabalacat, at Floridablanca, Pampanga katulad ng kanilang pananim na kamote, guyabano, saging, luya, at iba pa. Kabilang sa mga dumalo sina Usec. Jonathan Malaya ng DILG, Asec. Domingo Tolentino, Jr. ng DTI, PNP PRO 3 Regional Director PBGen. Matthew Bacay, at PNP Lt. Gen. Rhodel Sermonia na siyang pangunahing punong abala sa Duterte Legacy Caravan. Kabahagi din ang iba’t ibang regional officials kabilang ang mga kanilang authorized representatives sa nasabing caravan.
Copyright © 2015. Official Website of National Commission on Indigenous Peoples Region III. All rights reserved.