Abril 30, 2021
Sa pagpapatuloy ng Information, Education and Communication (IEC) sa National Advisory 2020-08-01, s. 2020, Upang Itigil, Ipagbawal, at Iulat ang anumang Transaksyon, Negosasyon ng Pagbebenta at Paglipat ng Lupa sa loob ng Lupaing Ninuno (AD), ang NCIP Bataan na kinatawan ni OIC Ms. Juna Sacpa, Ms. Glenda Chan, Ms. Rebecca Reyes at Mark John Sebastian ay nagpunta sa Brgy. Pag-asa, Orani, Bataan upang magbigay ng kopya at ipaliwanag ang National Advisory sa Punong Barangay ng Pag-asa, G. Joel Villafuerte.
Ang kinatawan ng Brgy. Pag-asa ay tumugon at nagpaabot ng pakiki-isa sa pagbawal at paghinto sa pagbebenta ng mga lupa sa loob ng Lupaing Ninuno. Kanilang ipopost ang ang National Advisory sa kanilang barangay para sa pampublikong kaalaman.
Copyright © 2015. Official Website of National Commission on Indigenous Peoples Region III. All rights reserved.