Skip to main content

PIA Gitnang Luzon – 14th Edition of the International Conference of Information Commissioners

Dumalo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pormal na pagbubukas ng ika-14 na edisyon ng International Conference of Information Commissioners (ICIC) sa Philippine International Convention Center, Pasay City ngayong araw, ika-19 ng Hunyo.
Sa kaniyang mensahe sa delegasyon mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo, pinuri ng Pangulo ang mga hakbang na ginagawa ng ICIC sa pagsusulong ng karapatan ng taumbayan sa pag-akses sa tamang impormasyon na bahagi ng universal human right at saklaw ng demokratikong proseso.
Ibinahagi rin ng Pangulo na kabilang sa e-Governance initiative ng kaniyang administrasyon ang FOI Program ng bansa, kasama ang paglulunsad ng isang information literacy campaign na pangungunahan ng Presidential Communications Office.
📷 PCO
Official Website of National Commission on Indigenous Peoples Region III