TIGNAN | Porac Bantay Lutan Ninuno Task Force, inilunsad!
Porac, Pampanga – Isang pagpupulong ang isinagawa ngayong araw ng mga Katutubong Lider ng CADT 123 sa pangunguna ng MILKAPA (IPS), MAGKAALBAPA (IPO), Municipal at Barangay IPMRs. Naroon din ang mga opisyal ng NCIP Pampanga, at kinatawan ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Porac.
Pormal na inilunsad sa naganap na pagpupulong ang CADT 123 Joint NCIP-IPS-IPO-IPMR Bantay Luntan Ninuno Task Force bilang bahagi ng pagpapalakas ng hanay ng mga lider-katutubo sa Porac.
Ang task force na ito ang magsisilbing Ancestral Domain Defense System laban sa mga illegal activities, land grabbing at unauthorized buying-selling ng mga bahagi ng humigit 18,000 ektaryang Ancestral Domain. Kasama rin sa layunin ang pagbabantay at agarang pag-uulat sa anumang IP Rights Violations (IPRVs) na maaring maranasan ng mga katutubo. Inilahad din sa pagpupulong ngayong araw ang mga tungkulin ng bawat isang kasapi ng task force. Ang AD Defense System ay bahagi naman ng NCIP 11 Building Blocks.
Una sa listahan ng mga gagawin ay ang imbentaryo ng lahat ng mga di umano ay “pribadong pagma-may-ari ng mga hindi katutubo sa loob ng AD. Kaakibat nito, magsisimulang umikot ang Task Force sa lahat ng komunidad upang buuin ang data base ng mga kinakailangang impormasyon. Makatutulong ang data base na mabubuo upang magabayan ang IPS-IPO at NCIP sa mga kinakailangang aksiyon.
#NCIP11BuildingBlocks
#ADDefenseSystem #IPS #IPO
#NCIPParaSaIP
Copyright © 2015. Official Website of National Commission on Indigenous Peoples Region III. All rights reserved.