
TFG INDIGENOUS FOOTBALL FESTIVAL | JULY 8, 2023
TFG INDIGENOUS FOOTBALL FESTIVAL | JULY 8, 2023
Nagkaroon ng Tobacco Free Generation Indigenous Football Festival noong Sabado, ika-8 ng Hulyo sa Dinalupihan Oval na pinangunahan ng Bataan Football Club & Gila-Santos Dinalupihan Football Club sa pangangasiwa ni Head Coach Samuel Odunlami katuwang si Municipal IPMR Joel Abraham, Dinalupihan TFG Russel Sarmiento at MHO. Ito ay dinaluhan rin ni SK President Aries Atencio upang kumatawan kay Mayor Tong Santos para maipaabot ang kanyang suporta sa programang ito.
Ito ay may layong maisulong ang Sports sa halip na mabaling ang atensyon ng mga kabataan sa mga bisyo tulad ng paninigarilyo na makakasama sa ating kalusugan, gayundin ang pagsulong ng Tobacco Free Generation sa ating mga katutubo na mula sa Brgy. Bayan-Bayanan, Tubo-Tubo, at Payangan kasama ang iba pang mga katutubo sa ating Bayan.
#1Dinalupihan
#yeheydinalupihan
#SerbisyongMayNgiti